^

Probinsiya

Bus vs tricycle: 1 patay, 4 kritikal

-
CAMP SIMEON OLA , Legazpi City – Isang 12-anyos na batang lalaki ang nasawi at apat katao pa ang malubhang nasa kalagayan sa Sorsogon Provincial Hospital matapos na magsalpukan ang sinasakyan na tricycle at isang pampasaherong bus sa kahabaan ng National Road sa Barangay Buhatan, Sorsogon City kahapon ng umaga. Nakilala ang nasawi na si David Medina 12, samantala ang mga malubhang nasugatan ay sina Nilo Don 21, drayber, Ryan Hitomo 23, Manuel Doroja 65 at Mila Medina pawang mga residente sa lugar.

Samantala ang drayber ng bus na kaagad naman na sumuko ay kinilalang si Teomareto Ybanes 29, binata, residente ng Purok 3 St. Jude Village, Barangay Tinago, Bato, Leyte. Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga habang ang Golden Dove Bus (HVH-192) galing sa Maynila at patungong Leyte nang makabanggaan nito ang tricycle (TC-GH-2331) na bumabagtas sa kahabaan ng naturang kalsada patungo sa lungsod ng Sorsogon. Dahil dito, agad na dead-on-the-spot ang bata habang nagtamo ng mga bali at sugat sa katawan ang apat pang biktima. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY BUHATAN

BARANGAY TINAGO

DAVID MEDINA

ED CASULLA

GOLDEN DOVE BUS

LEGAZPI CITY

LEYTE

MANUEL DOROJA

MILA MEDINA

NATIONAL ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with