Guro dinedo ng ama ng estudyante
October 27, 2006 | 12:00am
QUEZON Dahil sa pagdisiplina sa kanyang mga estudyante ay binaril at napatay ang isang 50-anyos na titser ng ama ng pinagalitan ng biktima sa naganap na karahasan sa Barangay Batican, Infanta, Quezon kamakalawa ng gabi.
Napuruhan sa dibdib ng bala ng baril ang biktimang si Marilou Avenilla y Vertudoz, biyuda at residente ng nabanggit na barangay.
Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na mag-asawang Freddie at Shiela Rubio at isa pa nilang kasama na si Ronald Magtibay.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang tunguhin ng mga suspek ang bahay ng biktimang nagpapahinga habang nakaupo sa loob ng sariling tahanan.
Napag-alamang kinompronta ng mga suspek ang biktima tungkol sa ginawang paraan ng pagdisiplina sa kanilang anak na estudyante ng nasabing guro.
Habang nasa kainitan ng komprontasyon ay nagbunot ng baril ang ama ng estudyante at pinaputukan ang biktima na agad naman bumulagta.
May posibilidad na napahiya ang bata sa biktima matapos na kagalitan sa harap ng mga kaeskuwela kaya ipinaabot ang kahihiyang inabot sa kanyang mga magulang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 21 hours ago
By Doris Franche-Borja | 21 hours ago
By Jorge Hallare | 21 hours ago
Recommended