^

Probinsiya

Lider ng minero pinugutan

-
AGUSAN DEL NORTE – Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng isang 37-anyos na lider ng mga minero makaraang pugutan ng ulo ng mga hindi kilalang kalalakihan habang bumibili ng sigarilyo kamakalawa ng gabi sa liblib na bahagi ng Purok 7, Sitio Pirada, Barangay Del Pilar, Cabadbaran, Agusan del Norte.

Pinangambahang muling sisiklab ang kaguluhan sa minahan ng ginto sa nabanggit na barangay matapos na matagpuan kahapon ng umaga ang bangkay na walang ulo ng biktimang si Romy Elardo ng Purok 4, Barangay Bayabas.

Ayon sa pagsisiyasat na si Elardo na huling namataang buhay na lumabas sa tinutulugan para bumili ng sigarilyo sa tindahan ng kanyang tiyuhin ay tumatayong lider ng mga manggagawa sa minahang pag-aari ni Robert Degala.

Ayon pa sa ulat, bandang alas-8:25 ng umaga kahapon nang matagpuan ng mga minero ang bangkay na walang ulo na lumulutang sa ilog may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay at natagpuan din ang ulo nito sa hindi kalayuan.

Napag-alaman din sa ulat na pangatlong pagkakataong may pinupugutang minero dahil sa bangayan sa minahan ng ginto na pag-aari ng ilang prominenteng politiko

Nabatid sa source ng PSN na may ilang opisyal ng pulisya at military ang patuloy na nakikialam sa maliliit na minahan sa nabanggit na lugar na nagiging dahilan ng kaguluhan at patayan. Patuloy naman sa pagsisiyasat ang mga tauhan ni Chief Supt. Antonio Dator Nanas, Caraga regional director. (Ben Serrano)

vuukle comment

ANTONIO DATOR NANAS

AYON

BARANGAY BAYABAS

BARANGAY DEL PILAR

BEN SERRANO

CHIEF SUPT

PUROK

ROBERT DEGALA

ROMY ELARDO

SITIO PIRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with