^

Probinsiya

DZMM—Radyo Patrol chief nabiktima ng ‘Bukas-Kotse’

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna Maging ang hepe ng higanteng broadcast company ng ABS-CBN network ay hindi pinaligtas ng mga "Bukas-Kotse Gang" nang mabuksan ang kanyang kotse na nakaparada sa isang gas station at manakawan ng humigit kumulang sa P.3 milyong halaga ng ari-arian sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Willy Atun, hepe ng Biñan Provincial Police, nabiktima ng nasabing grupo ang Toyota FX Wagon (TNT-620) ni Angelo Almonte, chief of reporters ng ABS-CBN- AM radio station DZMM habang nakaparada sa loob mismo ng Shell gasoline na matatagpuan sa north bound ng South Luzon Expressway (SLEX), Brgy. Mamplasan, Biñan bandang alas-6:30 ng gabi.

Base sa imbestigasyon, kagagaling lang ni Almonte sa isang shooting practice sa isang firing range sa Calamba City, Laguna nang huminto ito sa nasabing gas station para maghapunan sa Jollibee kasama ang kanyang asawang si Rose.

Matapos ang kanilang hapunan, nauna nang pumunta ni Rose sa kanilang sasakyan pero laking gulat nalang nito nang matagpuan ang kanilang van na basag ang kaliwang bintana at nawawala ang mga mahahalagang gamit sa loob nito.

Kabilang sa mga nawawalang gamit ay ang Rolex watch worth P100,000.00, isang Magnum .357 pistol (P35,000.00), Caliber .45 pistol (P65,000.00), caliber .40 pistol (P29,000.00), two way radio (P65,000.00), tape recorder (P1,800.00), cellphone (P3,800.00) at assorted ammunitions (P20,000.00).

Nagsasagawa naman na ngayon ang kapulisan ng masusing imbestigasyon para matukoy at maaresto ang mga salarin sa nasabing insidente.

ALMONTE

ANGELO ALMONTE

AYON

BRGY

BUKAS-KOTSE GANG

CALAMBA CITY

JOLLIBEE

PROVINCIAL POLICE

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

WILLY ATUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with