Navy man inaresto sa panunutok ng baril
October 15, 2006 | 12:00am
CAVITE Nahaharap ngayon sa kasong grave coercion ang isang miyembro ng Philippine Navy makaraang ireklamo ito ng isang radio station manager dahil sa panunutok ng baril habang papauwi ang huli kasama ang pamilya sa Daang Amaya 2, Tanza kamakalawa.
Naaresto agad ng mga pulis ang suspek na si Petty Officer 3rd Class Benjamin Salagubang, 38, may-asawa, kasapi ng Phil. Navy at residente ng Daang Amaya 2, Tanza Cavite.
Kaagad naman itong naireklamo ng biktimang si Benito Clamosa, 55, may asawa, radio station manager at residente ng Pojas Subdivision, Brgy. Daang Amaya 2, Tanza, Cavite.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Neil Morano, may hawak ng kaso, ganap na alas-6:50 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang biktima ay nag- mamaneho ng kanyang owner-type jeep kasama ang kanyang asawa at anak papauwi sa kanilang bahay ng bigla na lang silang magkainitan sa kalsada,
Papadaan ang biktima nang bigla na lang nagkunwaring dadaan ang suspek at pinagbigyan naman ito subalit sa halip ay pinagbunutan pa ng suspek ang biktima ng dalang caliber 45 pistol.
Dahil dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pagrereklamo ng biktima sa pulisya kung kayat kaagad na nadakip ang suspek. Narekober sa suspek ang isang cal. 45 at isang magazine na may kargang 7 bala.
Sinampahan na ng kaso ang suspek sa Provincial Prosecutors Office sa Bacoor. (Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest