3 Akyat-Bahay nalambat
October 15, 2006 | 12:00am
CAVITE Kalaboso ang tatlong hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay gang na hinihinalang nanloob sa bahay ng isang negosyante makaraang maaresto sa isinagawang follow-up operation ng pulisya kamakalawa sa Bacoor.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na nakilalang sina Santiago Briones, 44, may-asawa, residente ng Blk. 5, Lot 25, Phase 2; Arnold Bigcas, 31, binata, ng Blk. 5, Lot 3, Phase at Allan Nabong, 36, may-asawa at naninirahan sa Blk. 3, Lot 31, Phase 3, pawang ng Mary Homes Subdivision, Brgy. Molino 4 sa Bacoor.
Nakilala naman ang biktimang si Leonidez Ang Tubac, residente ng Blk. 40, Lot 50, Phase 2, ng nasabi ring subdivision.
Base sa ulat ni PO2 Ernesto Caparas, may hawak ng kaso, bandang alas-10:00 ng gabi nang pasukin ng mga suspek ang bahay ng biktima habang walang taong naiwan.
Nabatid na tinangay ng mga suspek ang 21-inch LG TV set ng biktima (P10,000); 1.5 Horse Power GE aircon (P15,000); videoke set (P25,000); LG refrigerator (P12,000); 2 burner gas stove (P3,000), play station (P5,000) at isang electric fan (P3,000) na umaabot sa halagang P74,000.
Nadiskubre na lamang na nalimas ang mga kasangkapan ng bahay ng biktima nang umuwi ito.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad nang makakuha sila ng impormasyon sa pinagtataguan ng mga suspek na hinihinalang nagnakaw sa bahay ng biktima sanhi ng kanilang pagkakaaresto na ngayoy nasa kustodya na ng pulisya. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended