5 NPA na umatake sa airport, timbog
October 14, 2006 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Limang rebeldeng New Peoples Army (NPA) na responsable sa pagsalakay at panununog ng P30 milyong ari-arian sa bagong itinatayong paliparan sa Silay City, Negros Occidental noong Oktubre 8 ang nasakote ng militar sa Brgy. Tilim, Calatrava ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Armys 303rd Infantry Brigade (IB) Commander Col. Gregorio Fajardio ang dalawa sa mga nasakoteng suspek na sina Nathaniel Alisgor, 18; Noel Tapio, 18 habang tatlong iba pa na di tinukoy ang pangalan dahilan sa pagiging menor-de-edad ay kinabibilangan ng isang 17-anyos at dalawang 15-anyos na rebelde.
"They were among those who torched the airport, according to witnesses," pahayag ng opisyal kung saan ang mga rebeldeng nasangkot sa marahas na pag-atake ay pawang kasapi ng Larangan Guerilla 3 ng CPP-NPA.
Nasamsam mula kina Tapio at Alisgor, ang isang cal. 45 pistol at isang M16 armalite rifle sa raid sa Sitio Maglalaguan, Brgy. Tilim sa bayan ng Calatrava bandang alas-2 ng hapon.
Ang dalawang rebelde ay isinasailalim na sa masusing tactical interrogation ng militar habang ang tatlong menor-de-edad ay itinurnover naman sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest