Magsasaka kinatay sa sayawan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 35-anyos na magsasaka ng kanyang nakaalitan sa sayawan sa Sitio Sagrada, Barangay Carangag sa bayan ng Magarao, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktimang si Larry Rubias ng Barangay Agay-Ayan, Tinambac, Camarines Sur, samantala, agad namang tumakas ng suspek na si Rovy Delos Santos Jr. ng Barangay Digdigan, Goa, Camarines Sur. Ayon sa pulisya, ang dalawa ay naging bisita sa nabanggit na lugar nang magsigawan sa sayawan hanggang sa maganap ang krimen. (Ed Casulla)

Show comments