Base sa ulat ng Cotabato City PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang nasawing biktima na si ARMM-SFP Executive Director Arnel Datukon, samantalang ginagamot naman sa Cotabato Medical Specialist Hospital ang drayber na si Michael Mohammad na nagtamo rin ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon, lumilitaw na lulan ang biktima ng Mitsubishi Pajero kasama ang drayber na si Mohammad nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki pagsapit sa intersection ng Quezon at Notre Dame Avenues sa Cotabato City, dakong alas- 8 ng umaga kahapon.
Nagawa pang isugod sa nasabing ospital ang biktima, subalit idineklarang patay dahil napuruhan ng bala sa ulo habang patuloy namang nakikipaglaban kay kamatayan ang driver na si Mohammad.
"Posibleng may kinalaman sa trabaho ng biktima ang naganap na pamamaslang", Ani P/ Supt. Peraco Macacua, hepe ng pulisya sa Cotabato City. (Joy Cantos)