2 kawal bulagta sa atake ng NPA
October 4, 2006 | 12:00am
RIZAL Napaaga ang pagsalubong ni kamatayan sa dalawang kawal ng Phil. Army makaraang mapatay sa sorpresang pag-atake ng mga rebeldeng New Peoples Army sa kampo ng 16th Infantry Battalion sa Barangay Puray, Rodriguez, Rizal kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina Corporal Edwin Ramos at Pfc. Romy Solomon, habang sugatan naman si Cpl. Reymund Labaco. Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Freddie Panen, provincial police director, sinamantala ng mga rebelde ang malakas na buhos ng ulan bandang alauna y medya ng madaling-araw. Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan bago umatras ang mga rebelde na ngayon ay tugis ng pulisya at militar. (Edwin Balasa)
GAPAN CITY, Nueva Ecija Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magkaibigang lalaki na sakay ng kanilang motorsiklo makaraang masalpok ng sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Malimba, Gapan City, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Animoy pinitpit na lata ng sardinas ang dalawang motorsiklo ng mga biktimang sina Alfred dela Cruz, 21 at Francis Julian Caliwag, 18 na kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay. Sugatan naman ang tsuper ng Nissan Pathfinder (URD-475) na si Army Major Wilfredo Villa Marana ng Joey Lanes Street, White Plains, Quezon City at nakatalaga sa SOCOM sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija. Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ng motorsiklong Suzuki (RW-9712) si Dela Cruz, habang si Caliwag naman ay lulan ng Honda XRM patungong katimugan nang aksidenteng masalubong ang sasakyan ni Marana na patungo naman sa Cabanatuan City. (Christian Ryan Sta. Ana)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended