Van salpok sa truck: 1 patay, 1 malubha
October 2, 2006 | 12:00am
RIZAL Isa katao ang nasawi habang nasa kritikal na kondisyon ang kasama nito matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang van sa isang trailer truck na nagmamaniobra kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Taytay, lalawigang ito.
Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima na nakilalang si Paul Gader, helper habang patuloy na ginagamot ang driver nito na si Glen Bacus, 26, kapwa residente ng Maginoo St., Brgy. Pinayahan, nasabing bayan.
Samantala, naaresto ang suspek na nakilalang si Ricky Surbano, 34, ng Manuel Luis Quezon Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa may Ortigas Avenue Extension tapat ng National Panasonic, Brgy. San Isidro, ng nabanggit na bayan.
Nabatid na sakay ang mga biktima ng Isuzu van (CTL-651) at tinatahak ang kahabaan ng Ortigas Avenue Extension nang pagsapit sa may kanto ng Kaytiling ay hindi namalayan ni Bacus ang nagmamaniobrang trailer truck (PXL-140) na minamaneho ni Surbano.
Dahil sa sobrang bilis ng takbo ng sasakyan ng mga biktima ay hindi na nagawang iwasan ang truck dahilan upang salpukin ito sanhi ng pagkasawi ng isa sa kanila.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to properties with homicide and serious physical injuires ang naturang suspek. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest