Preso tinodas sa loob ng kulungan: Hepe ng PCP1, 4 na tauhan sinibak
October 1, 2006 | 12:00am
RIZAL Sinibak sa puwesto kahapon ang isang hepe ng pulisya, ang apat na tauhan nito makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mag-utol ang isang inmate na nakakulong sa loob ng kanilang presinto noong Huwebes sa Antipolo City.
Ang pagkakasibak kina P/Chief Inspector Roman Desumalla, hepe ng Police Community Precinct (PCP) 1 at apat pang pulis ay iniutos ni Rizal Provincial Director Sr. Supt. Freddie Panen.
Ang pagsibak kay Desumalla at apat nitong tauhan ay matapos ang pamamaril ng magkapatid na Manuel, 39; at Luisito de Ello, 35; pawang residente ng Sierra Vista Subd., Brgy. Cupang ng lungsod na ito sa biktimang si Carlos de Guzman, 53, sa loob ng PCP 1 detention cell.
Nauna rito, nakulong si de Guzman, miyembro ng Rizal Special Operations Group (SOG) dahil sa pagkakabaril nito at malubhang nasugatan si Agustin de Ello, 44, utol nina Manuel at Luisito sa isang traffic altercation dakong alas-6:30 ng gabi noong Huwebes.
Matapos na maaresto si de Guzman at dalhin sa PCP 1 detention cell ay nagtungo doon ang magkapatid na suspek at sinabing dadalawin lang nila ito kaya itinuro naman ng mga pulis na nasa selda si de Guzman.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig ng sunud-sunod na putok ang pulisya at nang kanilang tingnan ay patay na si de Guzman sa loob ng selda at nakataas na ang kamay ng magkapatid na Ello at isinuko ang baril na ginamit sa pamamaslang. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
16 hours ago
Recommended