^

Probinsiya

14 bangkay nahukay sa Laguna landslide

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Umaabot na sa 14 na bangkay ng mga biktima ng landslide ang nahuhukay ng mga awtoridad sa dalawang magkahiwalay na insidente sa Barangay Bagong Silang, Los Baños Laguna sa paanan ng Mt. Makiling matapos humampas ang bagyong Milenyo sa bansa noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Superintendent Steve Ludan, group director ng 406th Provincial Mobile Group ang mga biktimang nasawi na sina Gregorio Laganzon, 75; Camille Laganzon, 7; John Lloyd Laganzon, 2; Elmer Maloles, 30; Porfirio Sullege, 44; Kristine Toledo, 20; Irene Sevilla, 27 at Dionisio Sevilla, 30, na pawang nalibing sa Barangay Bagong Silang, Los Baños, Laguna.

Anim namang kaanak ng mga namatay ang nawawala pa rin na kinilalang sina Shirley Millera, 31; Marcelo Millera, 28; Cynthia Toledo, 15; Carlo Toledo, 13; Marcelina Laganzon, 31 at Jerry Ramos, 22.

Samantala, dalawa namang bangkay mula sa isang pamilya na natabunan din sa naganap na landslide sa Calauan, Laguna ang nahukay ng rescue and retrieval team ng PNP at Army noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Julius Magsino, 17 at Elena Lastimosa, 76, matapos matabunan naman ng putik at bato ang kanilang bahay sa Sitio Lanzonesan, Barangay Limao, Calauan Laguna noong Huwebes ng umga habang binabayo ng bagyo ang kanilang barangay.

Tatlo naman sa mga kaanak ng mga Lastimosa ang nanatili pa rin sa ilalim ng natabunang bahay na kinilalang sina Marcelino, 48; Federico at Gerry na pawang may mga apelyidong Lastimosa.

Patuloy naman ang paghuhukay ng mga tauhan ng 406th Provincial Police Mobile Group, Laguna PNP at 202nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga natitirang biktima na nasa ilalim pa rin ng gumuhong lupa. (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

ARNELL OZAETA

BARANGAY BAGONG SILANG

BARANGAY LIMAO

CALAUAN LAGUNA

CAMILLE LAGANZON

CARLO TOLEDO

CYNTHIA TOLEDO

DIONISIO SEVILLA

LOS BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with