May-ari ng FedEx sa Masbate kinidnap
September 23, 2006 | 12:00am
LEGAZPI CITY Isa na namang kaso ng kidnapping ang naitala ng pulisya makaraang mapaulat na dinukot ang isang 27-anyos na may-ari ng FedEx sa Masbate ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Malimba sa bayan ng Dimasalang ng nabanggit na lalawigan, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Paul Rivas, residente ng nasabing bayan.
Batay sa ulat ng provincial police office na isinumite sa Camp Crame, bandang ala-una ng hapon nang harangin ng mga kidnaper ang biktimang sakay ng kulay dilaw na motorsiklo patungo sa Masbate City.
Napag-alamang may dala P.1 milyon ang biktima nang harangin ng mga armadong kalalakihan sa nabanggit na barangay.
Sa follow-up operations ay narekober naman ang motorsiklo ng biktima na inabandona may 15-kilometro ang layo mula sa Masbate City.
Kaugnay nito, kumontak na ang mga kidnaper sa pamilya ng negosyante at humihingi ng malaking halaga kapalit ng kalayaan ng bihag. (Ed Casulla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended