Apat na bala ng baril sa kaliwang tagiliran ang tumapos sa buhay ni Anthony "Pio" Mores y Lozero ng Barangay 11, Patag District, Catbalogan, Samar.
Napag-alamang nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa labas ng Inernet café sa harap ng Samar College nang tumigil sa harapan ang isang motorsiklo na may lulang dalawang lalaki.
Isa sa dalawa ang nagbunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima hanggang sa duguang bumulagta, habang nagpulasan sa ibat ibang direksyon ang kanyang mga kaibigan.
Naisugod pa sa Samar Provincial Hospital si Mores, subalit hindi na umabot ng buhay.
Dalawang anggulo ang sinisilip ng pulisya para malutas ang krimen kabilang na ang nakaraang buhay ng biktima at ang pagiging miyembro ng nabanggit na fraternity. (Maricel Castillo)