Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga nang madiskubre ang siyam na sako ng ammonium nitrate habang nakakarga sa bangkang M/V Katrina.
Napag-alamang idineklara ng mga tripulante na mga pinatuyong isda ang laman ng mga sako, subalit nang inspeksyunin ito ng mga awtoridad ay natuklasang ammonium nitrate.
Wala namang maipakitang dokumento ang mga tripulante na magpapatunay na legal ang kargamentong mga kemikal para sa pagbibiyahe.
Kaugnay nito, inimbitahan naman ang kapitan ng M/V Katrina at anim nitong tripulante sa himpilan ng pulisya sa Zamboanga City Station para isailalim sa masusing imbestigasyon.
Malaki ang posibilidad na pag-aari ng mga bandidong Abu Sayyaf ang nasabat na pampasabog. Nauna nang narekober ng militar ang sampung sako ng ammonium nitrate sa pantalan ng Patikul, Sulu may ilang linggo na rin ang nakalipas. (Joy Cantos)