^

Probinsiya

Konsehala may kakaibang hitsura

ASWANG SA MUNISIPYO - ASWANG SA MUNISIPYO Ni Maricel Pille Castillo -
SAMAR – Nanlilisik na mga mata at naninindig na buhok na parang nylon cord ang kakaibang hitsura na konsehala ang bumulaga sa mga kawani ng munisipyo sa loob ng palikuran kaya nagsitakbuhan ang mga ito papalabas.

Dakong alas-7 ng gabi noong Miyerkules ng Setyembre 6, 2006 matapos ang sesyon ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng isang munisipyo sa Samar nang maunang lumabas sa session hall ang konsehala na itinago ang pangalan sa kahilingan ng mga kapwa nito konsehal upang hindi makaladkad sa kahihiyan ang kanilang bayan.

Dahil matagal na pinagtalunan sa konseho ang tungkol sa isang proyekto, kumagat na ang dilim sa bakuran ng munisipyo at kapansin-pansin ang pagkabalisa ng konsehala habang ito ay nakaupo sa session hall.

Pabalik-balik ito sa palikuran na wari’y may kung anung makati o di kaya’y mainit sa katawan. Nang matapos na ang kanilang sesyon ay agad itong lumabas. Inalok pa ito ng kapwa konsehal na magkape muna sila sa malapit na coffee shop, subalit umiling lamang ito.

Nang nasa labas na sila ng munisipyo ay biglang nagtatakbo ang konsehala pabalik sa loob ng munisipyo. Sa pagkabigla ng mga kasamahan nito ay sinundan nila at tinanong, "Yeng inaanu ka?" (Ne, anong nangyayari sa’yo) subalit diretso itong pumasok sa comfort room.

Ang ilang kawani ay nagsiuwian na at ang 4 na kapwa konsehal nito ay buong pag-alala na nagpaiwan at hinintay na lumabas ng palikuran ang konsehala. Mga ilang minuto pa ang kanilang hinintay nang makarinig sila ng kaluskusan at humihingal sa loob ng banyo. Sa pag-aalala ng apat na konsehal na may masamang nangyari ay kinatok ito ng isang utility worker. "Konsehal, konsehal inaanu ka? Masakob kami ha? (Konsehal, konsehal anung nangyayari sa’yo? Papasok kami dyan ha?)"

Hindi sumagot ang konsehala kaya lalu pang nag-alala ang apat na konsehal na naghihintay sa labas ng palikuran. Nagpasya silang buksan ang pintuan, subalit nang pihitin nila ang siradura at kaunting bumukas ay nakita nila ang mabalahibong kamay na mahigpit na nakakapit sa door knob kaya naghiyawan ang ilan nilang mga kasamahan. "Rubaa nala niyo ito na purtahan bangin ginlamon na hito hi konsehal! (Sirain na ninyo ang pintuan baka kinain na niyan si konsehal!)", sigaw ng isang clerk na napalapit sa kaguluhan.

Tinawag nila ang ilan pang mga kasamahan nila sa munisipyo kabilang na ang dalawang dyanitor, guwardiya na naka-duty at ang ilan pang mga kalalakihan na hindi pa umuwi dahil may tinatapos pa na gawain. Ubod-lakas at sabay-sabay nilang itinulak ang pintuan ng CR. Subalit, agad naman silang nagsitakbuhan nang bumulaga sa kanila ang kakaibang hitsura ng nasa loob na konsehala. Nanlilisik na mga mata, tayo ang buhok na animo’y nylon cord at nakangisi na wari’y gutom na hayop.

Matagal nang napapabalitang aswang ang 47- anyos na konsehala, subalit sa kabaitan nito ay hindi nila magawang kutyain. Mahilig itong tumulong sa mga nangangailangan lalu na sa mga buntis at walang panggastos sa panganganak at mga may sakit na kapus-palad. Ayon pa sa mga nakasaksi sa naturang insidente, kapag inabot ng dilim ang konsehala ay matagal itong nagbababad sa CR at naririnig nilang humahangos na parang mabangis na hayop sa loob.

AYON

DAHIL

DAKONG

INALOK

KONSEHAL

KONSEHALA

NANG

NANLILISIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with