2 pulis sinibak dahil sa nakawan

CAMP CRAME – Sinibak sa puwesto at kinasuhan ang dalawang tauhan ng pulisya na isinasangkot sa nakawang naganap sa terminal ng bus sa Zamboanga City may ilang araw na ang nakalipas, ayon sa ulat kahapon. Kabilang sa mga sinuspinde ay nakilalang sina PO1 Abdulhawid Awali, nakatalaga sa 9th Regional Mobile Group at PO1 Gilbert Gibulan ng PNP Zamboanga Sibugay.

Ang suspension ay inaprubahan ni PNP-9 Regional Director Chief Supt. Jaime Caringal upang bigyang daan ang isinasagawang impartial investigation ng PNP-Regional Investigation Division hinggil sa naturang kaso. Ayon kay P/Senior Supt. Felixberto Candado, tagapagsalita ng Zamboanga PNP, na ang dalawang pulis ay nasangkot umano sa nakawan sa nabanggit na lugar. (Angie Dela Cruz)

Show comments