^

Probinsiya

Kabesa itinumba sa harap ng pamilya

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – May posibilidad na inakalang asset ng military ang isang barangay captain kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army sa harap mismo ng kanyang pamilya sa panulukan ng Barangay Alabang Puro Macitas sa bayan ng Pio Duran, Albay kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Barangay Captain Abelardo Nunez ng Barangay Macitas ng nabanggit na bayan. Ayon kay P/Chief Supt. Roberto Morales, hepe ng Task Force Tiwasay, hinarang ng mga rebelde ang motorsiklo ng biktima na kaangkas ang asawang si Eva at anak na si Lolita. Napag-alamang nagmamakaawa ang dalawa sa mga rebelde, subalit pinadapa ang biktima bago niratrat. Bago tumakas ng mga rebelde ay nilagyan pa ng karatula ang katawan ng biktima. (Ed Casulla)
22 mag-aaral nalason
CAMP CRAME – Dalawampu’t dalawang mag-aaral sa elementarya ang isinugod sa ospital matapos na malason sa kinaing meryendang okoy sa Silay City, Negros Occidental kahapon ng umaga. Nabatid na bandang alas-10 ng umaga nang kumain ng okoy ang mga biktima na nabili sa kanilang kaeskuwela sa Gaston Elementary School sa nabanggit na lungsod. Makalipas ang ilang oras ay nanakit ang tiyan, ulo, nagsuka at nahilo ang mga biktima kaya agad na isinugod ng kanilang mga guro sa tulong ng mga kawani ng paaralan sa pinakamalapit na pagamutan. Kaugnay nito, sinusuri ng mga manggagamot ang sample ng kinaing okoy ng mga biktima upang mabatid kung ano ang nakalason. (Joy Cantos)
Obrero dedo sa agaw-motorsiklo
CAVITE – Isa na namang modus operandi ang isinagawa ng Agaw-Motorisklo Gang makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 36-anyos na kawani ng pribadong kompanya saka inagaw ang motorsiklo ng biktima sa Brgy. Wawa 3, Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw. Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Rowel "Roy" Vequiso, ng EN Sports Motors sa Quirino Ave., Parañaque City, habang nakaligtas at sugatan ang kaibigan ni Vequiso na si Mark Frederick Galba,18. Sa pagsisiyasat ni PO3 Joel Malinao, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang ihatid ng biktima ang kanyang kaibigan sakay ng motorsiklong Honda XRM. Napag-alamang sinundan ang mga biktima ng tatlong hindi kilalang lalaki na sakay din ng motorsiklo. Agad na dinikitan ng tatlo at sinipa ang motorsiklo ng mga biktima kaya sumemplang. Mabilis na nilapitan ng tatlo ang mga biktima saka pinagbabaril bago tinangay ang motorsiklo. (Cristina Timbang)
Ex-Army na holdaper nadakma
ATIMONAN, Quezon – Nagwakas ang pagtatago sa batas ng isang dating sundalo ng Philippine Army na pinaniniwalaang sangkot sa serye ng holdapan sa Laguna at Quezon, makaraang madakip ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay Poblacion, Atimonan, Quezon kamakalawa. Ang suspek na isinasangkot sa holdapang naganap sa Calamba City, Laguna noong Agosto 22, 2006 ay nakilalang si Ralph Canaya Y Cabigonia, dating kawal ng 76th Infantry Battalion ng Phil. Army. Ayon kay P/Chief Insp. Ronnie Miralles, Narekober sa suspek ang P42,000 na pinaniniwalaang kaparte nito sa perang kanilang kinulimbat sa hinoldap na banko. Kasunod nito ay binigyan ng commendation ni P/Senior Supt. Ireneo Inal, hepe ng Anti-Organized Crimes and Businessmen’s Concern Division sina P/Chief Insp. Miralles, SPO2 Rodrigo Desalisa, PO2s Benito Reyes at Noel Jabrica, SPO3 Sonia Tubar at SPO2 Narciso Lopez. (Tony Sandoval)

AGAW-MOTORISKLO GANG

ANTI-ORGANIZED CRIMES AND BUSINESSMEN

AYON

BARANGAY ALABANG PURO MACITAS

BARANGAY CAPTAIN ABELARDO NUNEZ

BIKTIMA

CHIEF INSP

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with