Base sa ulat na ipinarating sa Batangas provincial police director na si P/Senior Supt. Edmund Zaide, kinilala ang dalawa na sina Renato Chan Jr., 54, isang Tsinoy at Nestor Terado, 43, kapwa may-ari ng Quail Farm at residente ng #050 B Mata St., Barrio Magsaysay, Tondo Manila.
Nabatid na bandang alas-6:30 ng gabi nang salakayin ng mga armadong kalalakihan ang nasabing farm kung saan nagpapahinga ang dalawa.
Hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling blangko ang pulisya sa brutal na krimen. (Arnell Ozaeta)