^

Probinsiya

Dinukot na opisyal ng DOJ, kinatay

-
ILAGAN, Isabela — Tinadtad ng saksak saka pinagpapalo hanggang sa mapatay ang isang opisyal ng Department of Justice makaraang dukutin ng mga armadong kalalakihan noong Miyerkules sa Santiago City, Isabela.

Natagpuan ng mga operatiba ng pulisya noong Biyernes sa masukal na bahagi ng national highway na sakop ng Barangay Naguillan ang bangkay ni Concepcion Azurin-Lumanglas, 50, assistant provincial probation officer at residente ng Capitol Hills, Barangay Alibagu, Ilagan, Isabela.

Sa ulat ni Senior Superintendent Judge Santos, Isabela provincial police director, huling namataang buhay ang biktima dakong alas-5:30 ng hapon noong Miyerkules habang isinasakay sa van na may plakang 508 ng pitong kalalakihan.

Sa follow-up operation, agad naman narekober ang van na nakarehistro sa pangalan ng isang pulis-Isabela, samantalang inilihim naman ng mga awtoridad ang mga nasakoteng suspek habang iniimbestigahan ang kaso.

Naniniwala ang pulisya na malaki ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ng biktima ang naganap na insidente. (Victor Martin)

BARANGAY ALIBAGU

BARANGAY NAGUILLAN

CAPITOL HILLS

CONCEPCION AZURIN-LUMANGLAS

DEPARTMENT OF JUSTICE

ISABELA

MIYERKULES

SANTIAGO CITY

SENIOR SUPERINTENDENT JUDGE SANTOS

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with