Paslit ginulpi ng madrasta

CAVITE – Kalaboso ang binagsakan ng isang 40-anyos na madrasta makaraang gulpihin ang anak na lalaki ng kanyang ka-live-in sa Barangay Queensrow, Bacoor, Cavite kamakalawa. Sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Emily Nabua ng 3-A, Area-A, Bagong Silang 3 ng nabanggit na barangay. Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang biktimang itinago sa pangalang Carlo, 7. 

Sa ulat ni SPO4 Aurora Habana ng Women’s and Children’s Protection Desk, rumesponde ang pulisya, kasama ang ilang opisyal ng DSWD sa bahay ng biktima para kompirmahin ang impormasyong ibinigay ng mga kapitbahay ng suspek.

Nadatnan ng mga awtoridad ang biktima na may palatandaang ginulpi ng suspek kaya dinala ang dalawa sa himpilan ng pulisya upang kunan ng salaysay.

Kinumpirma ng biktima ang pananakit sa kanya ng suspek na naging ka-live-in ng kanyang ama kaya sinampahan ng kaukulang kaso. (Cristina Timbang)

Show comments