^

Probinsiya

Lolo, nilitson ang sarili

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Winakasan na ng isang 68-anyos na lolo ang kanyang paghihirap dahil sa matagal nang sakit na ulcer makaraang sindihan ang kanyang sarili sa loob ng tahanan sa Barangay Bonfal East, Bayombong, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang biktimang buong tapang na binuhusan ng gas ang sariling katawan saka sinindihan ay nakilalang si Jose Bedania ng Purok 1, Barangay Bonfal East ng nabanggit na bayan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Zaldy Magno, lumalabas na bago ang insidente ay unang lumapit ang biktima sa kanyang kapatid upang humingi ng pera na pambili ng gamot para sa kanyang acute ulcer na matagal nang dinaramdam, subalit sa kawalan din ng pera ay nabigo siyang makautang sa sariling utol.

Dala ang kabiguan ay humingi ng gas ang biktima sa kanyang kapitbahay na si Nilda Ongria na ikinatwiran ay gagamiting ilaw sa kanyang munting tahanan, subalit ginamit pala ito para wakasan ang kanyang buhay.

Ayon sa mga nakasaksi, ibinuhos ng biktima ang gas sa kanyang kumot pagkatapos ay ibinalot sa katawan at saka sinindihan. Pinilit na tumulong ang mga nakakita sa pangyayari, subalit mabilis ang paglaki ng apoy na naging sanhi ng agarang pagkamatay matapos masunog pati ang kanyang munting tahanan.

Positibo naman na kinilala ng isa sa kanyang mga anak ang biktima na nalitson sa pagkakasunog sa tulong na rin ng mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) na nagsagawa ng masusing imbestigasyon sa nasabing insidente. (Victor Martin)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BONFAL EAST

BAYOMBONG

JOSE BEDANIA

KANYANG

NILDA ONGRIA

NUEVA VIZCAYA

SCENE OF CRIME OPERATIVES

VICTOR MARTIN

ZALDY MAGNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with