Security officer tinodas sa airport
September 4, 2006 | 12:00am
Dahil lamang sa pambubulyaw sa umapaw na tubig ng gripo, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang security guard ang kanyang superior sa Cargo Terminal ng Philippine Airlines (PAL) sa Balocod City Airport kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Norberto Parreño, security officer ng mga guwardyang nagmamantine ng seguridad sa naturang paliparan. Ang biktima ay agad na binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala sa dibdib.
Boluntaryo namang sumuko matapos ang insidente ng suspek na si Jonathan Sanao, 37-anyos ng City Heights Subdivision, Brgy. Taculing ng lungsod.
Sa imbestigasyon, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente. Binulyawan ng biktima ang suspek nang makitang tumatagas ang gripo na siyang dahilan ng pag-apaw ng tubig hanggang sa check-in counter ng airport.
Inamin ng suspek na sumama ang loob nito nang siya ay sigawan ng biktima at labis na napahiya sa mga kasamahan at iba pang opisyal ng paliparan. Nang matiyempuhan ng suspek ang biktima sa ticketing area ay hindi na nito napigilan ang kinikimkim na galit kaya pinagbabaril niya ito sanhi ng dagliang pagkamatay nito. Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng cal. 38 revolver. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest