Sa phone interview, sinabi ni Major Gen. Rodrigo Maclang, hepe ng Armys 8th Infantry Division (ID), ang nasabing mass grave ay natagpuan ng mga elemento ng Armys 43rd Infantry Battalion sa ilalim ng 802nd Infantry Brigade sa magubat na bahagi ng Sitio Kaulisihan matapos ang ilang araw na paghuhukay simula pa noong Agosto 26 hanggang sa kasalukuyan.
Ang nabanggit na mass grave ay may 200-kilometro ang layo mula sa Tacloban City sa bulubunduking hangganan ng Baybay -Mahagplag-Inopacan Complex.
Ang pagkakadiskubre ng mga kalansay ay patunay lamang sa malupit na liderato ng CPP-NPA at may katotohanan ang "Oplan Ahos/ Missing Link" na kinasasangkutan ng mga rebelde laban sa mga pinaghihinalaang deep penetration agent (DPA) ng military.
Nabatid na ang nasabing mass grave ay itinuro mismo ng mga nagsisukong matataas na opisyal at miyembro ng NPA. (Joy Cantos)