^

Probinsiya

Daan-daan nagkasakit sa oil spill

-
Daan-daang residente sa baybaying dagat ang iniulat na dinapuan ng iba’t ibang uri ng sakit matapos kumalat sa karagatang sakop ng Guimaras at karatig lalawigan ang nakalalasong bunker fuel oil mula sa lumubog na M/T Solar 1 noong Agosto 11.

Bunsod nito, nagpadala na ng medical team ang Department of Health sa Guimaras Island kung saan aabot sa 329-katao ang nakararanas ng skin irritation, pananakit ng dibdib, pagsusuka at pagkahilo dahil sa masangsang na amoy ng bunker fuel oil.

Nagtungo rin si Heatlh Secretary Francisco Duque, kasama ang ilang toxicologists sa kalapit lungsod ng Iloilo kahapon upang personal na makita ang kondisyon ng mga naapektuhang residente sa nabanggit na bayan.

Pinaiimbestigahan din ng DOH ang kaso ng isang mangingisda na si Rogelio Dalido ng Nueva Valencia sa Guimaras na nasawi sa atake sa puso matapos na makalanghap ng amoy ng langis.

Binalaan din ng DOH ang mga residente na pansamantalang iwasan ang pagkain ng laman dagat mula sa kontaminadong tubig kung saan kumalat ang bunker fuel oil kung saan aabot sa 200 hanggang 300 litro kada araw ang tumatagas sa M/T Solar 1 na may 2 milyong litro ng kontaminadong langis na nakahimlay sa 3,000 talampakang lalim ng dagat sa Guimaras Strait.

Samantala, apat na tauhan ng US Coast Guard at ilang espesyalista mula sa National Oceanic and Atmospheric Agency ang dumating kahapon sa Iloilo para tumulong sa tinaguriang ecological time bomb.

Umaabot na sa 300 kilometro ang lawak ng oil spill sa karagatan ng Guimaras Island at nakaambang umabot sa Negros, ang ikaapat na pinakamalaking isla sa bansa kabilang na ang Panay Island.

Apektado na rin ang 1,120 ektaryang mangroves at seaweed farms, habang aabot naman sa 3,700 pamilya ang naapektuhan ng oil slick at ang turistmo sa mga nabanggit lugar ay unti-unting bumabagsak.

Sa pahayag naman ng Petron Corp. Chairman na si Nick Alcantara, na naglaan na sila ng USD 301 milyon para sa cleanup operation at rehabilitation sa tumagas na langis.

Umapela kahapon si Defense Secretary Avelino Cruz Jr. sa sambayanan na mag-donate ng mga pinaggupitang buhok, bunto ng niyog at balahibo ng manok upang makatulong na mapigil ang oil spill sa mga karatig isla. (Gemma Garcia, Joy Cantos at Lordeth Bonilla)

COAST GUARD

DEFENSE SECRETARY AVELINO CRUZ JR.

DEPARTMENT OF HEALTH

GEMMA GARCIA

GUIMARAS

GUIMARAS ISLAND

GUIMARAS STRAIT

HEATLH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

ILOILO

T SOLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with