Ayon sa mga kubrador ay pinatatakbo ito ng kapatid ng gobernador na si Mayor Cesar Ynares. Totoo ba to?
Maging sa malalayong liblib, partikular na sa isla ng Talim ay may bangka na kung tawagin ay "wetengang bangka" at ayon din sa mga kubrador na taga-isla ng Talim ay tatlong beses magbola ang jueteng. Totoo ba to?
Sa isla ng Talim ay si Kapitang Apolonio o Pol ng Barangay Buhangin ang siyang tumatayong kabo sa buong isla ng Talim at sa bayan naman ay nagsisilbing tengang kawali o tahimik ang hepe ng pulisya dahil takot ang kapulisan kay Governor Ito Ynares. Totoo ba to?
Sa Pritil o daungan ng bangka ay nagkakasunod ang bangkang sinasakyan ng mga kubrador ng jueteng na binobola ng tatlong beses sa sang-araw. Totoo ba to?
Sa bayan ng Binangonan, ang sinasanto ng mga residente ay ang mga Ynares at walang pwedeng bumangga maging ang kapulisan na nagsasabing walang jueteng sa Rizal ay malaking kasinungalingan. Totoo ba to?
Ang panawagan ay ipinaabot ng ilang residente sa nabanggit na bayan upang mabigyan ng pansin ng mga kinauukulan para madisiplina ang mga sangkot na opisyal ng lokal na pamahalaan.