Kinilala ng pulisya ang suspek na may-ari ng pabrika na si Salem Natural, 33, negosyante at residente ng Meralco Subd., Barangay San Juan, Taytay, Rizal, kasama ang kanyang 28 empleyado na kasalukuyang nakapiit sa Rizal Provincial Jail.
Ayon kay P/Senior Supt. Fredie Panen, Rizal provincial director, ginawa ang raid sa Fibertex Compound sa Ortigas Extension, Barangay Dolores matapos na makatanggap ng impormasyon na may ginagawang ibat ibang produkto ng whitening soap at mga astringent.
Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Romeo Zamora ng Quezon City Regional Trial Court ay sinalakay ng mga operatiba ng pulisya dakong alas-10:30 ng gabi kaya nasorpresa ang mga trabahador na gumagawa ng mga pekeng produkto.
Nakuha sa nasabing raid ang may 500 kahong finished product ng mga pekeng sabon at mga pampaganda na nakahandang ibenta sa mamimili, gayundin ang sari-saring chemical na aabot sa P40 milyon.
Samantala, itinatanggi naman ni Salem na siya ang may-ari ng nasabing pabrika kundi sub-contract lang siya.
Ang tunay na utak ng nasabing paggawa ng pekeng pampaganda ay pinangalanan niyang sina Abdul Asis at Abdul Muin na pawang mga Indonesian national at pansamantalang naninirahan sa Davao City.