Si Rolando Senangelo na nagtamo sa tama ng bala ng baril sa kanang sentido ay sasamahan sana ng kanyang utol na isuko ang sariling baril sa militar.
Ayon kay P/Chief Superintendent Peter D. Guibong, hepe ng pulisya sa nabanggit na lungsod, tatlong oras bago maganap ang insidente ay sumailalim sa tactical interrogation ng militar ang biktima dahil ang pangalan nito ay nakatalang supporter ng NPA.
Napag-alamang pinauwi ng militar ang biktima upang isuko ang baril subalit minabuti nitong magbaril sa sarili kaysa mapasakamay ng militar ang pag-aaring baril.
Bago ang insidente ay isinalaysay ng biktima sa kanyang mga kaanak na tinortyur siya ng mga sundalo. Dahil sa takot ay hindi nagawang magsampa ng reklamo ang pamilya nito sa kinauukulan sa takot na madamay. (Christian Ryan Sta. Ana)