^

Probinsiya

P27-M anomalya sa Gapo sumingaw

-
OLONGAPO CTIY – Mariing tinutulan ni Olongapo City Vice Mayor Rolen Paulino, ang balak ng Sangguniang Panlungsod na mailabas ang P27-milyon pondo para sa paghahakot lamang ng basura sa nabanggit na lungsod na pinaniniwalaang malinaw na pagwaldas ng malaking halaga mula sa kaban ng bayan.

Kasunod nito, nagsampa ng kaukulang kaso sina Vice-Mayor Paulino at City Councilor Atty. Noel Yabut Atienza sa Ombudsman para imbestigahan ang anomalyang pagpapalabas ng pondo.

Sa inihaing reklamo, kinuwestiyon ng dalawang opisyal ang kontrata sa ilalim ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo City at Rap-Rap Trucking Corporation na pangunahing kompanya na mangongolekta ng basura gamit ang apat na trak sa loob ng sangtaon.

Sa dokumentong nakalap ng PSN, unang inindorso ni Olongapo City Mayor James "Bong" Gordon Jr. sa Sangguniang Panlungsod ang pagpapalabas ng P27-milyon pondo para sa kontrata nito sa Rap-Rap na rentahan ang apat na garbage trucks at isang bulldozers sa pangongolekta ng basura.

Subalit, ayon kay Vice Mayor Paulino, mas praktikal at makakatipid sa gastusin ang lokal na pamahalaan kung bibili na lamang ng apat na second-hand garbage trucks at bulldozer sa halagang P4-milyon lamang na magagamit din sa loob ng santaon.

Napag-alaman din na patuloy sa operasyon ang Rap-Rap sa pangongolekta ng basura sa Olongapo City sa kabila ng expired ang kontrata nito simula pa noong Disyembre 22, 2005, subalit pinayagan pa rin ng Sangguniang Panglungsod.

Nadiskubre rin nina Paulino at Atienza na non-existence ang nabanggit na kompanya matapos na beripikahin ang address sa #26 Malakas Street, Barangay Central, Diliman, Quezon City na isang motor service shop na pinaniniwalaang walang kapabilidad na makapaghakot ng tone-toneldang basura sa buong Olongapo City. (Jeff Tombado)

BARANGAY CENTRAL

CITY

CITY COUNCILOR ATTY

GORDON JR.

JEFF TOMBADO

MALAKAS STREET

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NOEL YABUT ATIENZA

OLONGAPO CITY

SANGGUNIANG PANLUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with