Pangingikil ng mga pulis sa asosasyon isiniwalat
August 2, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Idinawit ng isang malaking asosasyon ng mga drayber ng pampasaherong sasakyan sa Bulacan ang mga kagawad ng pulisya na tumanggap ng malaking halaga bilang kotong sa loob lamang ng dalawang buwan.
Batay sa audited statement of operations ng Hagonoy Drivers and Operators Transport Service Cooperative (HDOTSC), umaabot sa P21,939 kanilang ibinigay sa mga pulis, traffic enforcers at mga kagawad ng Traffic Management Group (TMG) mula Enero hanggang Marso 31, 2006
Sumingaw ang anomalya matapos maghain nang reklamo sa Sangguniang Panglalawigan sina Pedro Medina, Sergio Santos, Lorenzo Castro at iba pang opisyal ng HDOTSC laban sa kanilang tagapangulo na si Geronimo Santiago.
Ipinaliwanag naman ni Ponciano Maturingan, auditor ng HDOTSC na hindi sila nagbigay ng pera bilang kotong sa mga pulis, sa halip ay binigyan nila ito ng mga regalo tulad ng alak at pulutan bilang "pakikisama" dahil marami daw sa kanilang kasapi ang kolorum ang plaka.
Gayon pa man, sinabi ni PO3 Leopoldo Roque, hepe ng traffic group sa bayan ng Paombong na wala silang tinatanggap mula sa HDOTSC at iginiit na dapat sabihin ni Maturingan at Santiago kung sinong pulis ang tumanggap ng lagay mula sa kanila.
Ayon kay Maturingan, hindi sila nagbigay sa Paombong PNP, sa halip ay sa mga kagawad lamang ng pulisya sa Malolos at Hagonoy.
Pinabulaanan naman ito ni P/Supt. Julio Villaruel, samantalang tikom pa rin ang bibig ni P/Senior Supt. Benedict Michael Fokno, Bulacan provincial director. (Dino Balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest