Hardware pinasok ng kawatan
July 31, 2006 | 12:00am
CAVITE Isang hardware store na pag-aari ng isang negosyanteng Tsino ang pinasok at pinagnakawan ng Chinese na negosyante na tinatayang aabot sa humigit kumulang sa kalahating milyon matapos na pasukin at pagnakawan ng anim na miyembro ng hinihinalang robbery gang sa Brgy Anabu 1A Imus, Cavite kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Supt. Efren Castro, hepe rito ang biktima na si Henry Teng, 45, may-asawa, at residente ng Aguinaldo Hi-way ng nabanggit na lugar habang hindi nakilala ang mga suspek na armado ng hindi pa malamang kalibre ng baril.
Sa imbestigasyon ni PO1 Johnny Nunez, may hawak ng kaso, dakong alas-5:45 ng hapon habang nasa loob ng kanyang opisina sa hardware ang negosyante nang bigla na lamang siyang pasukin ng mga suspek.
Puwersahang nakapasok ang mga ito sa main gate at agad na binaril ang lamesa ng biktima kung kayat dahil sa takot ay hindi na ito nakakilos. Dito na sinimulang limasin ng mga suspek ang mga pera, alahas at iba pang mapapakinabangan sa loob ng nasabing hardware kabilang ang isang kalibre .38 ng biktima. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended