^

Probinsiya

12 parak nakipagbarilan sa NPA, pinarangalan ni Calderon

-
MATNOG, Sorsogon – Pinarangalan at tinawag na mga bayani ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. General Oscar Calderon ang 12 miyembro ng Matnog Municipal Police Station matapos ang kanilang matagumpay na pakikipagsagupa sa grupong New People’s Army (NPA) ang kanilang himpilan ng pulisya na ikinasawi ng tatlo sa mga rebelde.

Dahil sa ipinamalas na katapangan at kabayanihan, pinarangalan at binigyan ng spot promotion ni Calderon ang mga pulis-Matnog na sina P/Sr. Insp. Jesus Callada, chief of police, at mga tauhan nitong sina SPO1 Emiliano Ramos, SPO3 Henry Colico, PO1 Dati Haloc, PO1 Edward Geolane, PO2 Rodel Grayba, PO1 Ernesto Raquel, PO1 Roel Villamin, SPO1 Emiliano Ramos V, PO2 Menardo Garcera, PO2 Noli Corbito at PO3 Arnel Gandugal.

May mga nasugatan ding pulis at namatay na miyembro ng Coast Guard sa bakbakan.

Ayon kay Calderon, ang 12 pulis ay pawang mga bayani matapos na ipagtangol ng mga ito ang kanilang himpilan na wasok na wasak nang salakayin ng may 200 NPA rebels na ikinamatay ng tatlong rebelde. (Ed Casulla)

ARNEL GANDUGAL

COAST GUARD

DATI HALOC

ED CASULLA

EDWARD GEOLANE

EMILIANO RAMOS

EMILIANO RAMOS V

ERNESTO RAQUEL

GENERAL OSCAR CALDERON

HENRY COLICO

JESUS CALLADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with