^

Probinsiya

Ex-principal kinasuhan ng rape ng 15-anyos

-
CABANATUAN CITY – Isang retiradong school principal ang sinampahan ng 2-counts of rape matapos ireklamo ng kanyang 15-anyos na kasambahay sa Nueva Ecija Criminal Investigation and Detection Group noong Huwebes ng hapon.

Sa report ni PO1 Mary Jane Vizconde, may hawak ng kaso, kay P/Supt. Ferdinand Vero, CIDG chief ng nasabing lalawigan, nakilala ang suspek na si Samuel Pinzon, naging principal ng Macatbong Elementary School, sa Brgy. Macatbong, Cabanatuan City, samantala ang biktima ay itinago sa pangalan na Jane.

Sa sinumpaang salaysay ni Jane, noong Abril 14, 2006, dakong alas-3 ng hapon habang siya ay nanonood ng TV ay tinawag siya ng suspek habang wala ang kanyang misis para ito ay masahihin. Dinala raw siya sa kuwarto ng suspek habang nakatutok ang isang kutsilyo.

Natakot daw siya kaya nagawa nito na tanggalin lahat ang saplot niya sa katawan at pagkatapos niyon ay dali-daling naghubo sa kanyang harap ang suspek. Hindi raw siya nakasigaw kahit na siya ay nasasaktan sa ginagawa nito dahilan sa matinding takot na baka siya patayin nito.

Naganap ang ikalawang paghahalay sa dalagita noong Mayo 26 taong kasalukuyan, habang siya ay namamalantsa. Aniya, bigla siyang hinipuan ng suspek sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

At tulad ng una, nakatutok ang kutsilyo ay nadala siya sa kuwarto at doon ay pinaghubad siya ng may pagbabanta at muling inangkin ang kanyang murang katawan. Sa hindi inaasahan, biglang dumating ang asawa nitong guro na sa halip magalit sa asawa ay pinagsasampal pa umano ang biktima. Kinaladkad umano siya ni Gng. Rensha, asawa ng principal, palabas ng kuwarto at idiniing kagustuhan din nito ang nangyari. (Christian Ryan Sta. Ana)

ABRIL

ANIYA

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

FERDINAND VERO

MACATBONG ELEMENTARY SCHOOL

MARY JANE VIZCONDE

NUEVA ECIJA CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

SAMUEL PINZON

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with