Pulis itinumba ng town mayor

Pinaniniwalaang inudyukan ni kamatayan ang isang alkalde sa bayan ng Bagoc, Ilocos Norte para pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang tauhan ng pulisya sa naganap na karahasan kahapon.

Nakilala ang biktima na si Senior Police Officer 1 (SPO1) Alex Dacosa na binawian nang buhay habang isinusugod sa ospital dahil sa pitong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyang tugis ng pulisya ang suspek na si Mayor Tomas Torralba na hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay hindi nakontak para idepensa ang sarili.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, apat-katao kabilang na si Vice Mayor Glenn Cajigam, ang nakasaksi sa krimen habang nasa burol ng patay sa may bahagi ng Barangay Kan-Am.

Hindi naman malinaw kung bakit pinagbabaril ni Mayor Torralba ang biktima. (ABS-CBN RNG)

Show comments