^

Probinsiya

2 pulis dedo, 1 sugatan sa encounter

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawang miyembro ng Police Regional Mobile Group (RMG) ang napatay samantalang isa naman ang nasugatan matapos makasagupa ng mga ito ang humigit kumulang 50 miyembro ng New People’s Army sa Abra De Ilog, Occidental Mindoro kahapon ng umaga

Kinilala ni Sr. Supt. Renato Ramos, Occidental Mindoro Police chief ang napatay na mga pulis na sina PO1 Michael Tanedo at PO1 Nong Tambawang, pawang miyembro ng 2nd Company ng RMG-4. Sugatan at ginagamot sa Abra De Ilog District Hospital si PO1 Eddiever Berayo.

Ayon kay Ramos, bandang alas-6:25 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang pinagsanib na elemento ng RMG, PRO-Mimaropa, 408th Provincial Police Mobile Group at 80th Infantry Batallion of the Philippine Army nang makasagupa ang mga rebelde pagsapit sa may Sitio Nangka, Barangay Balao, may 500 metro ang layo sa isang Globe cellsite. Tumagal ng anim na oras ang putukan sa pagitan ng mga awtoridad at mga rebelde na pinamumunuan umano ng isang Ka Floro.

Sinabi ni Ramos na mayroon din umanong mga sugatan sa kabilang panig pero hindi niya maibigay ang eksaktong bilang nito. (Arnell Ozaeta)

ABRA DE ILOG

ABRA DE ILOG DISTRICT HOSPITAL

ARNELL OZAETA

BARANGAY BALAO

EDDIEVER BERAYO

INFANTRY BATALLION OF THE PHILIPPINE ARMY

KA FLORO

MICHAEL TANEDO

NEW PEOPLE

NONG TAMBAWANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with