CAMP AGUINALDO Hindi na nilubugan ng araw ang mag-tiyuhin matapos na tamaan ng matalim na kidlat habang nakasilong sa malaking punungkahoy dahil sa buhos ng ulan sa bayan ang Lubao, Pampanga noong Miyerkules ng hapon. Nagtamo ng grabeng pagkasunog sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Edgar Bansil, 38 at Jonathan Genese, 23, na pawang residente sa Guagua, Pampanga. Ayon sa ulat, naglalakad ang dalawa sa gitna ng malawak na palayan nang abutan ng malakas na ulan kaya sumilong sa punungkahoy hanggang sa maganap ang trahedya.
(Joy Cantos) Drayber pumalag sa hijacker, grabe |
PADRE BURGOS, Quezon Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang isang drayber makaraan barilin sa mukha ng anim na armadong lalaki na nang-hijack sa minamanehong isuzu elf ng biktima sa Barangay Sipa sa bayan ng Padre Burgos, kamakalawa ng gabi. Nasa Mt. Carmel General Hospital ang biktimang si Geoge Pacho ng Catanauan, Quezon, samantalang ang dalawang pahinanteng sina Azel Ricafrente at Jessie Noba ay hindi naman sinaktan. Sa imbestigasyon ng pulisya, hinarang ang trak (RCJ-306) ni Pacho na kargado ng 200 sako ng uling at 2 libong kilong niyog na nakatakdang dalhin sa bayan ng Pagbilao. Napag-alamang pumalag si Pacho kaya binaril sa mukha ng isa sa mga suspek saka tinangay ang trak. Narekober ang trak sa Tayabas, Quezon na walang laman.
(Tony Sandoval) Ama dinedo sa harap ng 2 anak |
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Hindi na nakapalag sa kalawit ni kamatayan ang isang 44-anyos na ama na pumalag sa holdap makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang holdaper sa harap ng kanyang dalawang anak sa Zone 2, Barangay Godofredo Reyes Sr., Ragay Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Delfin Zabala. Napag-alamang papauwi na ang mag-aama nang harangin ng dalawang hindi kilalang lalaki at nagdeklara ng holdap. Tumanggi namang ibigay ng biktima ang celfone kaya pinaslang.
(Ed Casulla) CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Nabahiran ng dugo ang masayang sayawan sa loob ng plaza makaraang mag-amok at manaksak ang isang 21-anyos na binatang pinaniniwalaang lango sa droga na ikinasawi ng isa habang tatlo naman ang nasa kritikal na kalagayan sa naganap na karahasan sa Barangay Pinagbiyaran Monte, Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng madaling-araw. Hindi na umabot ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Ruel Adecer, habang kritikal naman sina Francisco Tabia, Sonny Umerez at Jericho Juanio. Samantala, nasakote ng pulisya ang suspek na si Jaime Yasty Jr. 21.
(Ed Casulla)