5 sundalo patay sa sagupaan
July 10, 2006 | 12:00am
LA TRINIDAD, Benguet Limang sundalo ang napatay sa apat na oras na pakikipagsagupaan sa mga rebeldeng New Peoples Army (NPA), noong Biyernes ng hapon sa liblib na bahagi ng Barangay Dandanac, Besao, Mt. Province.
Sa ulat mula kay Leonardo Pacsi Command ng CPP-NPA sa Mt. Province, kinilala nito ang tatlo sa napatay na sina Pfc. Abe S. Mani-ag, Pfc Renato G. Singson, ng Buguey, Cagayan at Cpl. Jovito B. Calagui, ng Tuguegarao, Cagayan. Tatlo pa umanong sundalo ang grabeng sugatan.
Kinumpirma naman ni Senior Supt. Alex Pumecha, provincial director ng Mt.Province Police na nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng 54th Infantry Battalion, Bravo Company at 50th Special Rifle Company ng 5th Armys Infantry Division at rebelde sa nasabing lugar, dakong alas-2:00 ng hapon, subalit apat ang napatay at tatlo ang sugatan.
Ayon kay Marco Valbuena, media officer ng CPP, nasamsam ng NPA command ang isang M203 grenade launcher, dalawang M16 rifles, ammunition at mga military equipment at supplies. Wala namang maibigay na detalye ang Civil Relations Service ng AFP na naka-base sa Camp Henry Allen, kung ilan ang bilang ng namatay at sugatang sundalo. (Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest