Negosyante grabe sa ambush
July 6, 2006 | 12:00am
BATANGAS Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 39-anyos na trader habang sugatan naman ang isang gasoline boy makaraang tambangan ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa naganap na karahasan sa bayan ng Lemery, Batangas, kamakalawa. Ginagamot sa Polymedic Hospital si Francisco Manalo, meat trader at residente ng Barangay Coral, Agoncillo, Batangas. Tinamaan naman ng ligaw na bala sa kanang hita ang gasoline boy na si Guiller Nimo, 19, ng Barangay Malinis.
Ayon sa pulisya, si Manalo na lulan ng pampasaherong jeepney (DGT-160) at nagbabayad sa cashier ng Shell Gasoline Station nang lapitan ng dalawang suspek na sakay ng kulay dilaw na Honda motorcycle na walang plaka. Kaagad na niratrat si Manalo habang tinamaan din ng ligaw na bala ang gasoline boy na si Nimo. Posibleng alitan sa negosyo ang isa sa motibo ng krimen. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest