Barangay captain tustado sa kidlat

QUEZON — Isa na naman kaso na may kinalaman sa paggamit ng celfone ang napaulat na isang barangay captain ang natusta makaraang tamaan ng matalim na kidlat habang tumatawag sa celfone sa Barangay San Vicente, Tagkawayan, Quezon kahapon. Bandang alauna y medya ng hapon habang malakas ang buhos ng ulan nang gumuhit ang matalim na kidlat at tinamaan ang biktimang si Reynaldo Magpantay habang tumatawag sa celfone. Napag-alamang bago naganap ang insidente ay nagsusukat ng lupa ang biktima kasama ang municipal agricultural officer na si Samuel Hernandez at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag-ring ang celfone kaya sinagot naman ni Magpantay hanggang sa kumislap ang kidlat na pinaniniwalaang dulot ng celfone. (Tony Sandoval)

Show comments