Ayon kay Major Ronald Rosario ng Civil Relation Service (CRS) ng AFP na ang mga bomba ay natagpuan dakong alas-10:30 ng umaga ng isang magsasaka matapos na masagi ang detonating cord nito subalit hindi sumabog.
Dakong alas-3 na ng hapon nang pasabugin ang mga bomba ng EODT na nagresulta ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Nabatid na 8 improvised landmine ang itinanim ng mga rebelde kamakalawa matapos na tambangan ang mga miyembro ng 65th IB ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Tula-Tula, Ligao City na kung saan nasugatan si Pfc. Suliman Puddin habang sila ay papadaan sa naturang lugar. Tatlo sa 8 bombang itinanim lamang ang matagumpay na napasabog ng mga rebelde at lima ang narekober.
Ang naturang mga bomba ay pinasasabog ng isang remote control na hawak ng rebelde ng mapadaan ang mga sundalo sa lugar habang ang mga ito ay patunggo sa himpilan ng 9ID ng Phil. Army sa bayan ng Pili, Camarines Sur.
Ang landmine ay gawa sa plastic container na may ammonium nitrate, shrapnel, electric blasting cops na may bigat na dalawang kilo. (Ed Casulla)