Trak vs motorsiklo: 1 patay, 2 grabe

CAVITE – Lantang gulay na kinalawit ni kamatayan ang isang 29-anyos na drayber habang malubha namang nasugatan ang dalawa nitong kasama makaraang salpukin ng trak ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa bahagi ng Barangay Talaba sa bayan ng Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw. Naisugod pa sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay si Francisco Naceda ng #104 Macapagal St., Barangay Aniban habang ginagamot naman sina Rodolfo Tan, 24; at Alfredo Miranda, 24, na kapwa naninirahan sa Barangay Anaiban at San Nicolas 1, Bacoor. Ayon kay PO1 Malvin Ramos, sumuko naman ang drayber ng trak (RCM 331) na si Jessie Tadanay, 27, ng Barangay Santol, Bongabon, Nueva Ecija. (Cristina Timbang)

Show comments