^

Probinsiya

2 dedo sa hijacker

-
GUIGUINTO, Bulacan – Dalawang namamagang bangkay ang tumambad sa mga opisyal ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) matapos buksan ang isang inabandonang trailer truck sa North Luzon Expressway (NLEX) noong Linggo. Sa ulat ng pulisya ng bayang nabanggit, kinilala ni Emilio Yu, operations manager ng NLT Trucking Corporation, ang mga biktimang sina Efren Verdera, drayber at Gervy Rosillosa, pahinante ng truck na may plakang DMK 978 at trailer na may plakang DUC 570. Ayon kay PO2 Sonny Estrella, nagmula sa isang planta ng gatas sa bayan ng Cabuyao, Laguna ang nasabing trailer truck noong Hunyo 23, subalit hindi nakarating sa kanilang bodega sa Libis, Quezon City at sa halip ay natagpuang abandonado sa NLEX na sakop ng nasabing bayan. Nawawala na ang mga kargamentong gatas na nagkakahalaga ng P4-milyon na posibleng biktima ng hijacking ang nasabing truck at inabandona sa nabanggit na highway. (Dino Balabo)

AYON

DINO BALABO

EFREN VERDERA

EMILIO YU

GERVY ROSILLOSA

MANILA NORTH TOLLWAYS CORPORATION

NORTH LUZON EXPRESSWAY

QUEZON CITY

SONNY ESTRELLA

TRUCKING CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with