Shootout: Kidnaper todas
June 28, 2006 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Napaaga ang kamatayan ng isang 29-anyos na gym instructor makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya dahil sa bigong pagdukot sa isang flight stewardess kamakalawa ng gabi sa Barangay Sta Cruz, Antipolo City, Rizal.
Duguang bumulagta si Ramil Nicodemus, gym instructor at residente ng #7 Rojas Subd., Barangay Banaba sa bayan ng San Mateo, Rizal.
Samantala, kaagad namang nailigtas ang biktimang si Joana Ramos, flight stewardess at regular costumer sa gym na pinagtatrabahuhan ni Nicodemus at naninirahan sa #133 V. Luna Road, Sikatuna Village, Quezon City.
Naitala ang insidente dakong alas-6:10 ng gabi matapos na maaktuhan ng police mobile patrol group ang komosyon sa loob ng isang Toyota Fortuner (ZBF-655) sa kahabaan ng Sumulong Highway kung saan ginugulpi ng suspek ang biktimang si Ramos.
Tangka sanang aawatin ng mga pulis ang awayan, subalit nagulat ang mga ito nang magsisigaw ang biktimang-" kinikidnap ako ng suspek", kasabay na nakaalpas sa pagkakahawak ng lalaki ay mabilis na tumakbo patungo sa kinaroroonan ng mobile patrol.
Naging maagap naman ang mga pulis at tinangkang arestuhin ang suspek, subalit nagbunot ito ng baril sabay na nagpaputok bago mabilis na tumakas gamit ang kinumander na Mitsubishi Galant na pag-aari ng isang nagngangalang Catherine Garcia, 32.
Nagkaroon ng ilang minutong habulan, subalit napilitang huminto ang suspek matapos na mabangga ang minamanehong kotse at pinaputukan ang humahabol na mga pulis hanggang sa umalingawngaw ang sunud-sunod na putok at duguang bumulagta ang lalaki.
Napag-alaman sa imbestigasyon na nagrekomenda si Nicodemus ng katulong na babae kay Ramos at nagkasundong puntahan sa bahay nila sa Antipolo, subalit iba pala ang iniisip ng suspek. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am