^

Probinsiya

Election officer dinukot sa Iligan

-
CAMP AGUINALDO — Patuloy na nanalasa ang grupo ng kidnap-for-ransom gang makaraang dukutin ang isang mataas na opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa bahagi ng Barangay Mahayahay sa Iligan City, Lanao del Norte kamakalawa ng madaling-araw.

Si Disalungan Pulala, 56, ng Purok Gumamela ng nabanggit na barangay ay kinidnap ng mga armadong kalalakihan habang patungo ang biktima sa mosque sa nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, si Pulala ay hepe ng Comelec sa bayan ng Ramain sa Lanao del Sur nang mamataang isinakay ng mga kidnaper sa kulay maroon na sasakyang walang plaka.

Sinabi ni Major Gen. Gabriel Habacon, hepe ng AFP Southcom, na ipinakalat na ang tropa ng militar sa nabanggit na lalawigan para maisalba ang biktima habang nangangalap ng impormasyon ang pulisya para makilala ang grupo ng mga kidnaper.

Sa kasalukuyan ay hindi na nagkikipag-ugnayan ang mga kidnaper sa pamilya ni Pulala. (Joy Cantos)

BARANGAY MAHAYAHAY

COMELEC

GABRIEL HABACON

ILIGAN CITY

JOY CANTOS

LANAO

MAJOR GEN

PULALA

PUROK GUMAMELA

SI DISALUNGAN PULALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with