Bayan na walang krimen
June 27, 2006 | 12:00am
PAG-ASA ISLAND Kampante at walang problemang kinaharap ang nag-iisang pulis na si PO2 Allan Remojo na nagmamantine ng peace and order sa munisipalidad ng Pag-asa na sakop ng Spratly Island.
Sa panayam, sinabi ni PO2 Remojo na sa loob ng limang buwan niyang pananatili sa Pag-asa Island ay tanging alarm and scandal sanhi ng mga naglasing na kalalakihang residente dito ang kaniyang naitala sa police blotter ng nabanggit na munisipalidad.
Sinabi ni PO2 Remojo na siya lamang ang nag-iisang pulis sa may 34 hektaryang isla na may populasyon lamang na 23-katao na kinabibilangan ng apat na bata.
Ang himpilan ni Remojo ay isa lamang bahay kubo at tuwing gabi ay nagpapatrulya siya sa palibot ng isla kasama ang dalawang barangay tanod.
Ayon kay AFP Western Command Chief Vice Admiral Tirso Danga mayorya ng nagbabantay na mga sundalo sa munisipalidada ng Pag-asa ay mga tauhan ng Philippine Navy at Phil. Air Force na kadalasang tumutugis sa mga dayuhang mangingisdang Intsik na illegal na pumapasok sa teritoryong nasasakupan ng karagatan ng bansa.
Nabatid na sa kabuuan namang 53 isla sa Kalayaan Group of Island ay tanging ang Pag-asa lamang ang may airstrip na hindi konkreto kayat mahirap maglanding ang eroplano sa lugar kung saan ay halos humagis sa kanilang mga upuan ang mga lulang sundalo, mga opisyal ng AFP sa pangunguna ni AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga at mga Defense reporters na bumisita sa isla noong Sabado.
Si Senga na nakaupo sa VIP section ng eroplano ay bumisita kasama ang iba pang mga opisyal ng AFP, pamilya at mga kaibigan upang personal na tingnan ang moral ng mga sundalong naka-deploy.
Nabatid na kung lulan ng eroplano ay mahigit isang oras bago marating ang Pag-asa Island mula sa Puerto Princesa City, Palawan at kung lulan naman ng bangka ay tatlong araw at dalawang gabi. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest