2 patay sa nag-amok na konsehal sa bar
June 25, 2006 | 12:00am
CAMP WINSTON EBERSOLE, Occidental Mindoro Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi, samantalang dalawa naman ang malubha makaraang mamaril ang isang senglot na municipal councilor sa loob ng videoke bar sa bayan ng Mamburao noong Sabado ng gabi, ayon sa pulisya.
Kinilala ni P/Senior Supt. Renato Ramos, Occidental Mindoro police director, ang mga napatay na biktimang sina Jason Erasmo,14, ng Niayos, Calintaan at Kid Francisco, 52, ng Barangay Caminawit, San Jose kapwa sa Occidental Mindoro
Samantala, nasa malubhang kalagayan sina Angelito Rosales, 43, ng Barangay San Luis at Censio Magbunhi ng Barangay Caminawit na kasalukuyang ginagamot sa Mamburao Provincial Hospital.
Tugis ng pulisya ang suspek na si Councilor Segundo Maguad Jr. ng Barangay Tayamaan.
Ayon sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi, mga lango sa alak nang dumating ang grupo ni Maguad kasama sina Councilor Elorde Masangkay, Nicasio Anoba at Angelito Rosales sa videoke bar na pag-aari ni Merlinda Meneses sa Seaport Site, Barangay Tayamaan.
Napag-alamang nag-request ang konsehal para kumanta si Meneses, subalit tumanggi ito dahil sa ordinansa na hanggang alas-10 ng gabi lang pinahihintulutan ang malakas na pagkanta sa mga bar para hindi makabulahaw sa mga residente.
Ikinagalit naman ni Maguad ang tinuran ni Meneses at dahil sa kahihiyan sa mga kasamahan ay agad na bumunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang grupo ni Meneses na nakaupo sa grupo ng mga biktima. (Arnell Ozaeta at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest