4 ilog kontaminado ng mercury
June 25, 2006 | 12:00am
NUEVA VIZCAYA Apat na ilog na dumadaloy sa bulubunduking bahagi ng Barangay Didipio sa Nueva Vizcaya ang kumpirmadong kontaminado ng mercury dahil sa patuloy na operasyon ng mga ilegal na minahan ng tanso at ginto.
Sa isinagawang pagsusuri ng grupo ni Prof. Elmer Castañeto ng Nueva Vizcaya State University (NVSU) College of Forestry, kinumpirma nito na positibong kontaminado ng mercury ang mga ilog ng Dinauyan, Surong, Camgat at Didipio sa nabanggit na lalawigan.
"Analyzed by the National Science Research Institute (NSRI) at the University of the Philippines, the water samples at one liter each from Camgat and Didipio River positively yielded mercury at an average concentration of 0.0002 milligram/liter, above the tolerable 0.0001 milligram per liter. As a result, the water from Camgat and Didipio River are not safe for human consumption. The color of the water is murky brown probably due to suspended materials. Dissolved oxygen is too low which prevents plankton and algae (which serve as fishes food), from reproducing," paliwanag ni Castañeto.
Maliban rito, lumalabas na positibo rin ang mga blood samples ng ilang mga residente ng nasabing barangay matapos ang isinagawang hiwalay na pagsusuri sa St. Lukes Medical Center.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng mining advocacy ang grupo ng NVSU sa mga residente at mababang paaralan ng Didipio upang mabigyan ng babala at makaiwas sa delikadong epekto ng nasabing mercury.
Napag-alamang dinagsa ng mga ilegal na minero ang Dinkidi Hill na may minahan ng tanso at ginto kung saan mag-uumpisa ang operasyon ng Australasian Philippines Mining Inc. (APMI).
Ayon naman kay Nueva Vizcaya Gov. Luisa Lloren Cuaresma, pahihintuin niya ang mga illegal miners matapos mapaulat na may dalawang minerong namatay habang nasa minahan.
Inatasan na ni Pangulong Arroyo si Environment Secretary Angelo Reyes na personal na magtungo sa nasabing lugar upang alamin ang sitwasyon ng mga residente at makita ang Dinkidi Hill kung saan nakadeposito ang gold-copper na pinaniniwalaang makakapagpalaya sa utang ng ating bansa. (Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest