^

Probinsiya

Lola, 3 apo natusta sa sunog

-
TAYABAS, Quezon – Magkakasabay na nilamon ng apoy ang isang 56-anyos na lola at tatlo nitong apo makaraang masunog ang kanilang bahay-kubo sa bahagi ng Barangay Lawigue sa bayan ng Tayabas, Quezon kamakalawa ng hapon.

Mistulang mga uling nang matagpuan ang bangkay ni Lola Lydia Guab at ang kanyang tatlong apo na sina Jeffrey, 6; Nicole, 4; at Vincent Hinton, 2.

Bandang alas-4 na ng hapon nang ipagbigay-alam ng isang barangay tanod sa mga awtoridad ang nangyari.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SFO1 Leonardo del Mundo, dakong alas-12:30 ng tanghali nang matulog ang tatlong paslit sa bahay-kubo na gawa sa kayakas ng niyog at kugon matapos mananghalian.

Napag-alamang nagluto ng kamoteng kahoy ang matanda at lumabas ng kubo upang kumuha ng karagdagang panggatong.

Wala pang tatlong minutong nangunguha ng panggatong ay namataan ng matanda na nasusunog ang kanilang kubo kung kaya’t bumalik ito at hindi na nagawang makalabas dahil sa laki ng apoy kaya kasama siyang natusta at ang tatlong paslit na apo.

May teorya ang pulisya na nadarang sa init ng kalan ang dingding na gawa sa niyog kaya agad na nagliyab saka kumalat ang apoy sa buong kabahayan.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY LAWIGUE

JEFFREY

LOLA LYDIA GUAB

MAGKAKASABAY

MISTULANG

MUNDO

NAPAG

QUEZON

VINCENT HINTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with