^

Probinsiya

8 nalason ng soft drinks

-
BAGABAG, Nueva Vizcaya – Walo-katao mula sa dalawang pamilya ang iniulat na nalason makaraang uminom ng kontaminadong soft drinks na nabili sa isang tindahan sa Barangay Pogonsino, Bagabag, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Ang mga biktimang isinugod sa ospital ay nakilalang sina Eugene Carag, 31; asawa nitong si Galdys Carag, 31, kapwa guro at residente ng Barangay Tuao South; mag-asawang Richard, 37; at Normalyn Madriaga, 27; mga anak na sina Charlie, 5; at Charlene Mae, 8, na pawang residente naman ng Barangay San Pedro ng bayang nabanggit.

Nadamay din ang dalawa pang bata na sina Grand Jeric Quilban, 7; at Stefanie Orpilla, 4, matapos tumikim ng inihaing inuming pampalamig.

Ayon kay Dr. Ma. Cristina Lagasca, doktor sa Luis A. Tiam Memorial Hospital, dakong alas-6 ng gabi kamakalawa nang ipasok sa nabanggit na ospital ang mga biktima na pinaniniwalaang nalason batay sa mga nakitang sintomas.

"Dehydration, matinding pagsusuka, nanlabo ang paningin, panghihina ng katawan at sakit sa tiyan ang sabay-sabay na naramdaman ng mga biktima," dagdag ni Dr. Lagasca.

Napag-alamang bumili at binuksan ng mga biktima ang malaking bote ng inuming pampalamig at pagkatapos inumin ay halos magkakasunod silang nakaramdam ng panghihina, pagkahilo at pagsusuka.

Nang suriin ng mga biktima ang loob ng botelya ng inuming pampalamig ay nakita ang maliliit na buhangin at huli na rin nang malasahan ang kakaibang lasa nito.

Kinumpirma naman ni National Bureau of Investigation Agent Gerald Butale, na ang bote ng inuming pampalamig ay may buhangin na nakaapekto sa kalusugan ng mga biktima.

Kasalukuyang ipinasusuri ng NBI sa mga dalubhasa sa Metro Manila, ang natirang inuming pampalamig sa bote ng soft drinks na pansamantalang hindi isiniwalat ang pangalan.

Sinubukan naman ng PSN na kunin ang panig ng pamunuan ng kompanya ng inuming pampalamig, subalit ayon sa isang babaeng kawani na tanging ang kanilang nakatataas na opisyal na nasa bayan ng Cauyan, Isabela ang makakapagbigay ng pahayag tungkol sa naganap na insidente.

Sa kasalukuyan ay nasa ospital pa rin ang mga biktima at tiniyak ng mga doktor na ligtas na ang mga ito sa panganib. (Victor P. Martin)

BARANGAY POGONSINO

BARANGAY SAN PEDRO

BARANGAY TUAO SOUTH

CHARLENE MAE

CRISTINA LAGASCA

DR. LAGASCA

DR. MA

EUGENE CARAG

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with